patikim ni makoy dakuykoy

www.tabulas.com/~soulfly makoydakuykoy.multiply.com

Sunday, February 12, 2006

Unang Tikim



[1] BAKIT NILIKHA ANG BLOG NA ITO?

Dahil kailangan. Ito ang magsisilbing ekstensyon ng chapbook. Maraming mga dokumento at detalyeng nabanggit sa koleksyon ang isasalpak [ipapaskil? ano ba filipino ng 'post'?] dito para sa dagdag na impormasyon at direksyon sa mga mambabasa.


[2] BAKIT KA NANDITO?

Dahil gusto mo. Internal ang mapagpasiya, sabi nga ng mga Marxista. Sa kabila ng samu't saring salimuot sa buhay mo, idagdag pa diyan ang tanong na "paano kaya ako makakapag-internet?" dahil sa mga usaping pampinansiya atbp., nagawa mong hugutin sa elektronikong mundo ng worldwide web ang cyber chorva ng chapbook. Isa pa, kahit wala kang mga tanong matapos basahin ang 'Patikim', alam mong may matututunan ka pa rin pag bumisita ka rito.


[3] BAKIT WALA KANG MGA TANONG TUNGKOL SA CHAPBOOK?

Imposibleng wala kang tanong. Baka kinain mo ang kopya ng chapbook, itinapon mo lang itong basta kung saan, naiwan mo ito sa pinanggalingan mo, naubusan ka ng kopya, hindi mo alam kung saan ka makakakuha ng kopya, o nagbusy-busihan ka sa marami pang bagay, halimbawa, sa pagresolba sa mga salimuot sa buhay mo. Kung wala kang interes na basahin kahit isang tulang pag-ibig mula sa koleksyon, hindi ko alam kung saang puwet ng kabayo ka huhugot ng interes para sa blog na ito. Kung wala kang mga tanong bago at pagkatapos mabasa ang mga tula sa chapbook, kahit mga tanong lang sa pag-ibig na sinubukan kong ilarawan sa tula, e kelangan mo na sigurong saksakan ng pormalin.


[4] BAKIT?

Bakit hindi?









7 Comments:

Blogger Unknown said...

Ok ang title. Masarap tikman.

10:53 PM  
Blogger abril said...

oist! patikim naman ng libreng kopya. :)

3:34 AM  
Blogger mykel andrada said...

siges, aabangans kos itos. :)

7:34 AM  
Blogger admin said...

gudlak tuloy

10:48 AM  
Anonymous Anonymous said...

nagustuhan ko ang iyong mga tula :)

10:24 AM  
Blogger Mark Angeles said...

naku sampaybakod, hndi ako ang nagsulat ng reply.. ang totoo nyan nagandahan ako sa imahen ng "naglalaro ang mga paru-paro sa aking hinagap"

4:24 PM  
Anonymous Anonymous said...

Okey, may tanong ako:

May girlfriend ka ba?
(Patikim rin ng libreng kopya)

8:05 PM  

Post a Comment

<< Home